50 patay sa bagyo at ulan

GUMAGANA ang lahat ng kamay, bunganga, tai-nga at lahat ng iba pang parte ng administrasyon ni PNoy  sa awayan sa pulitika.

Para nilang ginagamitan ng bakho ang lahat ng kanilang mga kaaway para ibaon ang mga ito sa kulungan at kahihiyan.

Kung iisipin, mas matindi pa sa pagbabaon ng bakho ng mga Ampatuan sa mga biktima ng Maguindanao masaker ang gustong mangyari ng administrasyong ito sa mga kaaway nito.

Hindi bale nang mabansagan ito ng kung ano-ano basta’t madurog ang mga kaaway nito.

Hindi nga lang nito isinasama sa mga binabakho ang mga kaalyado nito na may mga kaso ring kahalintulad ng kaso ng mga pinararatangan nitong mga “malalaswa.”

oOo

Habang nagaganap ito, naririyan naman ang siyam-siyam na ulan, baha ni Noe at mga bagyo na dumudurog sa buhay ni Juan. Tingnan niyo, mahigit 50 na ang namatay sa bagyong Juaning.

Sa kung ilang araw na paglubog ng malawak na ba-hagi ng Cagayan Valley dahil sa pagpapakawala ng Magat dam ng sobrang tubig nito, umiiyak naman ang libo-libong magsasaka sa lugar sa pagkasira ng kanilang mga pananim at paglubog nila sa utang para makabangong muli.

Ganito rin ang nagaganap sa Kabikulan at Kamindanawan na sinasalanta ng mga pagbaha at pag-ulan.

oOo

Alam ba ninyo ang ginagawa ng mga pulitiko na nalululong sa mga giyera patani sa pulitika, kasama na ang admin ni PNoy?

Aba, gumagastos ang mga ito ng malalaking halaga sa paghahanap ng mga ebidensiya at abogado laban sa isa’t isa at nagkakasuhulan na umano rito ng milyones.

Pero wala kang makita sa mga ito na umaayuda nang todo sa mga namamatay at nasisiraan ng buhay sa masamang panahon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply