50,000 residente sa gilid ng mga estero palalayasin

TINATAYANG may 50,000 informal settlers (squatters) na naninirahan sa mga gilid ng stero ang naka-ambang paalisin ng pamahalaang lungsod ng Maynila upang maipatupad ang flood control project sa siyudad at alisin ang sinasabing sanhi ng tone-toneladang basura na itinatapon sa mga daluyan ng tubig baha.

Ayon kay City Engineer Armand Andres, prayoridad nilang linisin ang limang estero sa lungsod na kinabibilangan ng Estero de Paco, Estero de San Miguel, Estero de Uli-uli,  Estero de Aviles at Estero de Sampaloc.

Ito ay matapos ipag-utos ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ang pagpapatupad ng flood control project sa lungsod kung saan kasama sa mga lululubog na lugar ang mismong Manila City Hall.

Sinasabing hindi maisasagawa ang paglilinis sa mga estero kung may mga informal settlers na ninirahan sa paligid nito dahil hindi maibababa at walang dadaanan ang mga heavy equipment na kakailanganin sa proyekto.

Bukod pa rito, ang mga iskwater ang nakikitang dahilan ng pagbabara at siltation ng mga estero at mga ilog dahil sa walang pakundangan ang mga ito sa pagtatapon ng tone-toneladang basura araw-araw kaya napipigil ang pagdaloy ng tubig patungong Ilog Pasig at Manila Bay.

Ayon kay Andres, 36 na pamilya mula sa Estero de Paco ang natapos ng i-relocate. Nabatid pa na isisusunod nila ang Estero de San Miguel kung saan mahigit 1,000 pamilya umano ang naninirahan sa gilid nito.

Kaugnay nito, may ugnayan na ang lungsod ng Maynila sa National Housing Authority (NHA)  at Pasig Rehabilitation Center upang mapaglaanan ng malilipatan ang mga maapektuahan ng proyekto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply