500,000 OFW na masisibak sa Saudi paghandaan

KAILAN ba paiiralin ng Saudi Arabia ang Saudization? Ito ang dapat na alamin ng pamahalaan para makapaghanda ito sa masamang ibubunga ng patakarang ito.

Masama ang ibubunga dahil aabot sa kalahating milyong overseas Filipino worker ang masisibak sa trabaho kapag paiiralin ito.

Kabilang sa mga mahahalagang usapin sa Saudization ang anim na taon na pagtatrabaho roon at pagtitiyak ng mga kompanya na 10 porsiyento ng kanilang mga empleyado ang Saudi nationals.

Mining tu sey, Suki, na kung nakaabot ka na sa anim na taon na pagtatrabaho roon, masisibak ka na tiyak.

Hindi ka na rin basta makalilipat sa ibang kompanya.

Istrikto rin ang mga guwardiya sibil ng Saubi sa pag-iinspeksyon sa mga kompanya at sumisilip sa pagtupad ng mga ito na may 10% Saudi national sa kanilang mga empleyado.

oOo

Malaking bilang, Suki, ang 500,000 kataong mawawalan ng trabaho.

Ang tanong ngayon sa mga onorabol, eh, ano-ano na ang inihahanda ng mga ito para saluhin ang mga masisibak sa trabaho na OFW?

Alalahaning pupuwedeng itaymis payb ang bilang ng mga mahihirapan sa Saudization kung ipagpalagay nating may apat kataong umaasa sa mga ito rito sa repablik ni Juan.

Maliwanag na 2.5 milyon ang magugutom, puwera pa ang posibleng pagtigil sa pag-aaral ng mga bata, kawalan ng kakayahang magpagamot ang mga maysakit at iba pa.

Ang mga hulugang bahay, sasakyan at iba pa  na napundar ng mga OFW, paano?

Nakupo, kay hirap isipin ang lahat ng ito.

Hindi kayang sagutin ito ni Manang Dinky kahit gamitin pa niya ang pondo ng pinagsamang Conditional Cash Transfer at misteryosong Peace Bond niya kay Gloripie noon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply