6 jet fighters bibilhin ng PH

ANIM na eroplanong pandigma o fighter planes ang binabalak bilhin ng Department of National Defense bilang paghahanda sa mga pangangailangan ng militar sa pagbabantay sa mga hangganan nito partikular sa mga pinag-aagawang teritoryo ng Pilipinas at ibang karatig bansa.

Sa isang panayam sa pagdiriwang ng ika-64 na anibersaryo ng Philippine Air Force, sinabi ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na ang pagbili ng mga eroplano ay bahagi ng medium term capability upgrade plan ng DND.

Ang pag-anunsyo ng plano sa pagbili ng mga jet fighters ay kaalinsabay ng patuloy na bangayan ng Pilipinas at China sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea. Inakusahan ng Pilipinas ang mga pwersa ng China ng mahigit na siyam na paglabag sa pagpasok sa teritoryo ng Pilipinas patikular sa Spratly Islands simula pa noong Pebrero.

Ayon sa tagapagsalita ng Philippine Air Force na si Lt.Col. Miguel Ernesto Okol, ang mga jet fighters na may kapabilidad na magsagawa ng maritime patrols at nagkakahalaga ng $23-$40 milyon ay magdadala ng mensahe sa China na seryoso ang Pilipinas na ipagtanggol ang ating soberenya. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply