6 patay, 15 nawawala sa Bukidnon landslide

ANIM katao na ang kumpirmadong patay habang may 15 iba pa ang pinaghahanap dahil sa naganap na landslide Lunes ng tanghali sa Valencia City sa lalawigan ng Bukidnon, ayon sa ulat ng military.

Batay sa report na natanggap ng Army 8th Infantry Battalion, anim na bangkay ang natagpuan sa landslide.

Sa impormasyong ipinarating kay Col. Jose Maria Cuerpo, batallion commander ng 8th IB ng Philippine Army, pinaniniwalaang 15 iba pa ang nawawala kasunod ng pagguho ng lupa sa Barangay Lumbayao.

Kabilang umano sa mga biktima ay mga naglalakad na residente at mga pasahero ng “habal-habal.”

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa aniya ang retrieval operations sa mga biktima.

Nabanggit na wala umanong tigil ang buhos ng ulan sa lugar kaya’t lumambot ang lupa sa maraming lugar.

Una nang nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa mga residente sa Visayas at Mindanao na paghandaan ang mga pag-ulan na maaaring magdulot ng pagbaha at paguho ng lupa.

Ito umano ay epekto ng umiiral na Inter-Tropical Convergence Zone.

Patuloy namang binabantayan ng ahensiya ang low pressure area na namataan sa layong 690 kilometro sa silangan ng Surigao City, bagama’t mababa ang posibilidad na maging ganap itong bagyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply