6 school-based employment service office itinatag

MATAGUMPAY na naitatag ng Department of Labor & Employment (DOLE) at mga lokal na pamahalaan sa kolehiyo sa Gitanang Luzon ang anim na school-based Public Employment Service Office (PESO).

Ayon kay DOLE Regional information officer Jerry Borja, ang mga nasabing paaralan ay ang Araullo University, AMA Computer Learning Center- Apalit, Pampanga branch, Tarlac State University, Micro Asia College of Science and Technology, Northern Zambales College at Magsaysay Memorial College.

Paliwanag ni Borja, layunin ng mga school-based PESO na higit na maihanda ang mga estudyante sa pagkakaroon ng stable na hanapbuhay matapos magtapos ng pag-a-aral sa pamamagitan ng mga career information, pre-employment orientation at labor education seminars.

Ito rin ang siyang nag-o-organisa ng mga job fairs at nagtuturo kung paano ma-a-access ang official job portal ng pamahalaan na www.phil-job.net . Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply