60 kph limit ‘di angkop sa lahat ng lansangan – MMDA

IPINALIWANAG ngayon ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na hindi angkop  sa lahat ng lansangan sa Metro Manila na magkaroon ng 60 kilometer per hour na speed limit tulad ng ipinatutupad sa Commowealth Avenue, Quezon City.

Nilinaw ito ni Metro Manila Development Authority Spokesperson Tina Velasco matapos ipanukala na ipatupad sa buong Metro Manila ang 60 kph na speed limit.

Ayon kay Velasco na iba-iba ang road dynamics ng mga lansangan kaya hindi uubra na gawing 60 kph ang speed limit sa buong Metro Manila bagama’t welcome sa kanila ang panukala.

Inihalimbawa ni Velasco ang kahabaan ng Epifanio Delos Santos Ave. na dahil sa malaking volume ng mga sasakyan na dumadaan ay 20 hanggang 30 kph lamang ang uubrang bilis doon.

Samantala sa ngayon ay tumutulong na rin ang MMDA sa pag-i-screen sa mga billboard na dapat ilagay sa mga lansangan sa Metro Manila.

Ayon kay Velasco, sumama na ang gobyerno sa pag-screen sa mga billboard dahil ilan sa mga ito ay hindi akma sa mata ng mga bata.

Bukod pa rito nagiging dahilan din ng trapik at aksidente ang ilang mga billboard lalo na yaong mga sexy dahil napapahinto ang mga driver para pagmasdan ang billboard dito. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply