60 kph speed limit sa pangunahing kalsada

ORAS na maisabatas, hindi lamang sa Commonwealth Ave., Quezon City ipatutupad ang 60-kilometer-per-hour speed limit kundi sa lahat ng malalaking kalsada sa Metro Manila kung saan madalas maganap ang mga aksidente.

Nilalayon ng panukala ni 2nd district-Quezon City Rep. Winston Castelo na House Bill 4775 na magkaroon ng “zero-accident rate” ang lahat ng pangunahing lansangan sa Kalakhang Maynila.

Ayon kay Castelo, kinakailangan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ng karagdagang kapasidad kasabay ng karagdagang budget.

“This bill aims to preserve this gain or else everything goes to naught,” ani Castelo.

Sinabi ni Castelo, ang pangangailangang ipatupad ang Philippine Road Safety Action Plan 2011-2020 para sa lahat ng programa, aktibidades at proyekto ng gobyerno ay para sa ikabubuti ng lahat.

Hinihiling ng panukala ang pagkakaroon ng pondong P100 milyon mula sa General Appropriations Act (GAA) na siyang gagamitin ng MMDA sa pagpapatupad nito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply