60kph limit ipatupad sa lahat ng kalsada sa MM

UPANG tuluyang maiwasan ang iba’t ibang aksidente sa lansangan, iminungkahi ni Quezon City Rep. Winnie Castelo  na lagyan na rin ng 60-kilometer speed limit ang mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Sa House Bill 4775, nais ni Castelo na magpatupad ng 60-kilometer speed limit hindi lamang sa Commonwealth Avenue sa Quezon City, kundi sa iba pang pangunahing kalsada sa Metro Manila na may mataas na bilang ng aksidente upang matamo ang “zero-accident rate” objective.

Ani Castelo, kapansin-pansin ang pagbaba ng aksidente sa Commonwealth Avenue simula nang maipatupad ang 60-kilometer speed limit sa naturang
highway.

“This bill aims to preserve this gain or else everything goes to naught,” ani Castelo.

Sinabi ng mambabatas na nakaaalarma ang mataas na bilang ng aksidente sa mga pangunahing kalsada na dapat maresolbahan o mabawasan.

Sakop ng panukalang “Speed Limit Act of 2011,” ang lahat ng uri ng sasakyan o na may klasipikasyong Classes 1, 2 at 3.

Hindi kabilang sa speed limitations ang mga ambulansiya, fire trucks, mobile police cars o sasakyan ng gobyerno na ginagamit sa emergencies.

Upang maipatupad ito, maglalaan ang pamahalaan ng P100 million sa General Appropriations Act (GAA) para sa pag-upgrade ng physical and technical capacity ng MMDA.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply