P3M chop-chop cars nasabat sa Cebu Port

KINUMPISKA ng Bureau of Customs sa Port of Cebu ang  mga bahagi ng lumang sasakyan mula South Korea na nagkakahalaga ng P3 milyon na idineklara ng ‘di tama at iligal na inangkat,

Inisyuhan ng Warrant of seizure and Detention ni Port of Cebu District Collector Ronnie Silvestre ang kargamento ng matuklasan ang 40-foot container van kung saan ang mga laman nito ay naka-consign sa Aya Day Trading .

I-e-endorso ng Port of Cebu ang Aya Day Trading sa Run After the Smugglers (RATS) na grupo ng Department of Finance para sa hiwalay na imbestigasyon at posibleng pagsasampa ng kasong kriminal.

Inatasan din ng district collector ang ESS at CIIS upang alamin kung tunay ngang may Aya Day Trading at kung may BOC import accreditation ito. Kung mayroon ay masasama ito sa mga blacklisted na kumpanya dahil sa paglabag sa Exec. Order 156 na nagbabawal sa pag-importa ng mga gamit ng sasakyan.

Nilabag din umano ng Aya Day ang section 2503ng Tariffs and Customs code ng Pilipinas sa pagdedeklarang mga replacement parts ang kargamento samantalang kumpleto ang mga bahagi ng anim na chop-chop na mga sasakyan kabilang na ang mga baterya nito.

Hihingi umano si Silvestre ng mission order kay Customs Commissioner Angelito Alvarez upang magsagawa ang kanyang opisina ng inspection sa mga display centers sa Cebu City  upang malaman kung ang mga binebenta rito ay may kaukulang import documents. Ben Reyes

 

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply