Recount sa Pasay minamadali ng Comelec

MAY tulog ang kampo ni Mayor Tony Calixto ng Pasay City sa isinasagawang recount ng Commission on Elections (Comelec) sa nakaraang mayoral elections na inihain ni Connie Dy na pumangalawa sa alkalde sa pagitan na 2,400 boto.

Ayon kay Jun Santiago, tagapagsalita ni Connie Dy at kasalukuyang barangay captain sa Pasay, dumalo siya sa isinagawang pagbubukas ng 74 ballot boxes sa Comelec at nasaksihan niya ang mabilis na proseso ng mga komite ng Komisyon kung saan sa 20 porsyento ng mga balota ay lumabas na lumamang pa si Dy ng ‘di kukulangin sa 2,000.

Sa panuntunan ng Comelec sa mga recount , ay kailangan umanong magkaroon ng patunay na lumalamang ang nagrereklamo o naghain ng recount sa 20% ng kabuuan ng mga balota upang magkaroon ng dahilan para ipagpatuloy pa ang pagbibilang.

Ayon kay Santiago maraming balota ni Connie Dy ang nabasura ng PICOS machines dahil may mga lupi o ibang marka ang mga balota na hindi binibilang ng makina. Posible umanong sinadya ang mga ito kaya hindi nabilang ng makina.

Naantala umano ang mga susunod pa sanang mga pagbibilang subalit  naghain ng posponement ang kampo ni Calixto ng ilang linggo dahil wala umano ang kanilang abogado  sa bansa.

Pinapalagay ng kabilang kampo na “delaying tactics” ito nina Calixto upang pahabain ang mabilis na proseso ng Comelec.

Umaasa naman ang kampo ni Dy na hindi pakikialaman ni Pangulong Benigno Aquino III ang magiging resulta ng nasabing recount, kahit pa sinasabing sumuporta si Calixto sa kandidatura nito noong nakaraang presidential elections. Ben Reyes

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply