64 na patay sa heat wave sa US

TUMAAS na sa 64 katao ang namamatay sa patuloy na pananalasa ng heat wave sa 15 estado sa Amerika, pagkumpirma ng National Weather Service.

Inihayag ng weather forecasters na bagama’t ang ibang lugar ay bahagyang nabawasan ang record-breaking na temperatura, tinataya namang sa susunod na linggo ay muling babalik ang mainit na panahon.

Ayon sa National Weather Service, nananatili sa central US ang pressure system na nagiging sanhi ng heat wave.

Sa ngayon, nananatili ang excessive heat warning sa mga estado ng Oklahoma, Kansas, Missouri at lllinois.

Dahil sa heat wave, umabot na sa 4,000 mga hayop ang namatay sa Iowa at libu-libo pa sa ibang estado.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply