Kidnapper nagbago ng isip dahil sa checkpoint

NAGLATAG ng checkpoints ang mga pulis kung kaya’t napigilan ang pagkidnap sa isang anim na taong gulang na anak ng isang prominenteng pamilya sa Cagayan de Oro City.

Iniwan ng kidnaper na dating drayber ng pamilya ang kanya umanong bibiktimahin at ang sasakyan ng pamilya nito sa isang tabing kalsada sa Patag-Apovel Road ng makita na may mga checkpoints sa kanilang daraanan.

Ang biktima na itinago sa pangalang Linda ay papauwi na sakay ng  Hyundai Starex na minamaneho ni Alnur Gambar ng parahin ito ng dating drayber ng pamilya na si Jomar Macapaser at makisakay. Ayon kay Gambar, pinayagan niyang makisakay si Macapaser dahil kilala niya ito ng personal at dating kasama sa trabaho.

Nang sumapit ang sasakyan palapit sa Xavier Estates Subdivision, bigla umanong naglabas ng screwdriver ang suspek at itinutok sa leeg ni Linda at pinababa ang drayber na si Gambar. Sa takot na masaktan ang bata ay bumaba ng sasakyan si Gambar kung saan pinasibad papalayo ng suspek ang Starex kasama ang biktima.

Agad namang nagtungo si Ganbar sa himpilan ng pulisya kaya’t inatasan ng police director na si P/Supt. Gerardo Rosales na kumilos agad ang mga ito at naglatag ng checkpoints sa lungsod na ikinadiskaril ng suspek sa kanyang tangkang pagkidnap sa biktima.

Laking pasasalamat ng mga magulang ni Linda sa maagap na pagkilos ng mga pulis sa pagkakarekober ng kanilang anak at sasakyan.  Nagsampa na ang pulisya ng kasong kidnapping at carnapping laban sa suspek na kasalukuyang ‘di pa nahuhuli. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply