7 Marines na napatay ng ASG nasa Villamor Airbase na

ALAS-TRES ng hapon nang dumating ang mga bangkay ng pitong miyembro ng Philippine Marines na napaslang sa engkwentro ng bandidong Abu Sayyaf noong Huwebes ng madaling araw Barangay Panglayaan, Patikul, Sulu.

Ang mga labi ng bayaning marino na sina Marine Battalion Landing Team (MBLT) 11 na si 2nd Lt. Michael Baladad gayundin  ang  kanyang  mga  tauhan  na  sina  Sgt. Desiderio Servan Jr., Cpl. Freddie Castillano, PFC. Ramsel Laynesa, Corporal Claro Lapazaran III, PFC Juanito Evasco at Corporal Nico Tinambunan, sakay ng c-130.

Bukod sa pamilya at mga kaanak ng mga biktima, sumablubong rin sa mga labi si Pangulong Benigno Aquino III at Pangalawang Panglong Jejomar Binay.

Isa-isang nilapitan at inalayan ng panalangin nina Aquino at Binay ang pitong labi.

Isang hero’s arrival ang ibinigay sa mga bayaning sundalo sa  Villamor Airbase.

Ang mga bangkay ay dadalhin sa St. Peters Funeral Home sa Quezon City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply