7 napatay na Marines bibigyang pugay ngayon

MISMONG si Pangulong Benigno Aquino III ang magbibigay pugay sa pitong Marines na napatay sa bakbakan laban sa Abu Sayyaf group (ASG) mamayang alas-7:00 sa Fort Bonifacio.

Ito ay makaraang makarating na sa Philippine Marines Headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig City ang labi ng mga napatay na sundalo.

Kahapon ay nagpaliwanag ang Malacañang sa nahuling statement ni P-Noy hinggil sa pitong Marines na napatay sa engkwentro kung saan Huwebes ng umaga nangyari ang sagupaan at Biyernes ng gabi lamang ito nagbigay ng reaksyon.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, agad naabisuhan ang Pangulo pero naghintay pa ito ng dagdag na detalye.

Tuloy naman ang operasyon ng militar sa mga Abu Sayyaf kahit simula na ng Ramadan bukas, Agosto 1.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply