7 sundalo patay sa Abu Sayyaf

PITONG sundalo ang nasawi habang 21 ang nasugatan sa bakbakan sa pagitan ng mga tropa ng pamahalaan at mga miyembro ng Abu Sayyaf sa lalawigan ng Sulu Huwebes ng madaling araw.

Ayon kay Western Mindanao Command spokesman Lt. Col. Randolph Cabangbang, nakasagupa ng mga tauhan ng Marine Battalion Landing Team 11 ang mga tauhan nina Abu Sayyaf Commanders Radulan Sahiron at Isnilon Hapilon sa bayan ng Patikul.

Alas-4:30 ng madaling-araw nang mapasok ng tropa ng militar ang kampo ng mga bandido.

Sa kasamaang-palad, naunahan umano ng mga bandido ang tropa ng militar kaya’t umabot sa pito ang bilang ng mga nasawing sundalo.

Tumagal ang sagupaan hanggang alas-9:30 ng umaga bago nagsitakas ang mga bandido.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply