7 terorista mula Pinas nasakote sa Indonesia

PITONG hinihinalang mga terorista mula sa Pilipinas ang nasakote ng Indonesian police sa lungsod ng Jakarta at Surabaya.

Ayon sa ulat, ang mga suspek ay nagpupuslit ng mga baril sa kanilang bansa para gamitin umano sa panghoholdap ng mga bangko para mapondohan ang kanilang mga terror activities.

Ayon kay Indonesian Police spokesman Boy Rafli Amar, Idinadaan umano ng mga terorista ang mga baril sa Malaysia saka dadalhin sa kanilang bansa.

“They were rounded up in the capital Jakarta and Surabaya City for their alleged involvement in firearms smuggling from the Philippines,” dagdag pa ni Amar.

Nakuha sa mga suspek ang pitong matataas na kalibre ng baril at dose-dosenang bala ng mga ito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply