9 patay sa landslide sa Albay

KINUMPIRMA ni Albay Gov. Joey Salceda na siyam na ang patay sa pagragasa ng landslide sa Polangui nang matabunan ang bahay ng isang pamilya rito.

Karamihan sa mga biktima ay mga paslit na ang edad ay naglalaro sa pitong taong gulang at pababa.

Sa report ng PDRRMC, lima sa  pito ay namatay sa magkahiwalay na landslide sa mga bayan ng Polangui at  Pio  Duran ng parehong lalawigan.

Samantalang ang dalawang iba pang namatay nang  makuryente habang ang isa naman ay namataymatapos anurin ng  malakas na tubig-baha.

Dumating na rin sa lugar ang ilang grupo ng rescue teams mula sa Philippine Army para magsagawa ng rescue operations sa mga residente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply