780 malnourished students pakakainin ng DepEd

TINATAYANG aabot sa 780 undernourished na estudyante  mula sa limang piling public elementary school sa bansa ang inaasahang makikinabang sa supplemental feeding at nutrition program ng Department of Education (DepEd) at ng condiments manufacturer na Nutri-Asia, Inc..

Ayon kay Education Secretary Armin Luistro, ang naturang feeding program ay inialok ng Nutri-Asia at inaasahang makatutulong upang mapaganda ang school attendance at school performance ng mga mag-aaral, na madalas pumasok sa paaralan nang walang laman ang mga sikmura.

Iginiit ng kalihim na mahalagang may sapat na nutrisyon ang isang mag-aaral upang mas madali itong matuto ng mga aralin.

“There is a direct correlation between learning and nutrition as evidenced by many studies and actual situation we observe in public schools,” ani Luistro.

Paliwanag ni Luistro, ang mga mag-aaral na “poorly nourished” ay hirap na magpokus sa kanilang lesson at mas madalas na umabsent na nauuwi sa pagtigil pa sa pag-aaral.

Ang supplemental feeding at nutrition program ay ipapatupad sa loob ng anim na buwan upang labanan ang malnutrition at maibalik ang kalusugan ng mga piling mag-aaral mula sa Bagong Ilog Elementary School sa Bagong Ilog, Pasig; Banay-banay Elementary School sa Cabuyao, Laguna; Lias Elementary School sa Marilao, Bulacan;  Subangdaku Elementary School sa Mandaue City, Cebu; at Quimpo Elementary School sa Davao City.

Ang Nutri-Asia Gabay Kalusugan feeding at nutrition program ay alinsunod sa Adopt-a-School Program ng  DepEd kung saan ang mga pribadong sector ay hinihikayat na tumulong para mapunuan ang kakulangan sa mga education resources.

Makakatuwang din naman ng DepEd at private sector sa programa ang mga magulang dahil ang mga ito ang inatasang siyang magluto ng pagkain na isisilbi sa mga mag-aaral. Jhie Convocar

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply