8-anyos lalaki pisak sa gumuhong pader sa Siquijor

PATAY agad ang walong taong gulang na lalaki matapos matumbahan ng gumuhong pader dahil sa lakas ng hangin kasabay ng matinding buhos ng ulan sa Barangay Candanay, Siquijor City, sa ulat ng Office of Civil Defense.

Kinilala ang biktima na si Chisrey Maghanoy, Grade 3 pupil sa Candanay Elementary School sa nasabing barangay.

Sa report, naglalaro ang bata malapit sa  pader ng nasabing paaralan  nang bigla na lamang gumuho ang pader at napuruhan ang ulo ng biktima.

Dali namang dinala sa Siquijor District Hospital ang biktima ngunit idineklara itong patay na.

Ayon sa Regional Risk Reduction Disaster Management Council, ito ang unang nai-report na fatality sa Central Visayas dahil pa rin sa epekto ng paghagupit ng bagyong Juaning.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply