8 estudyante sinaniban ng ligaw na ispiritu

WALONG estudyante ng Primicias National High School sa Mapandan, Pangasinan ang biglang nagwala matapos itong sapian ng ligaw na ispiritu noong Huwebes.

Sa isang pahayag na ibinigay ni Zenaida Mamayson, prinsipal ng nabanggit na paaralan at naninirahan katabi lamang nito, bigla na lamang nanigas ang katawan at nagwala sa pamamagitan ng pag-umpog ng kanilang ulo sa semento ang mga estudyante.

Sang-ayon sa mga arbularyo at ispiritistang ipinatawag ay ispiritu umano ng isang dalagang naiinggit sa masasarap na pagkain ang sumanib sa walong estudyante.

Dahil dito, nagpatawag ang pamunuan ng naturang eskwelahan ng pastor upang dasalan at alayan ng pagkain ang ispiritu.

Sa ngayon, matapos na makapag-alay at makapagdasal ay wala pa namang kakaibang nangyayaring muli sa loob ng naturang eskwelahan.

Sinasabi rin na ang dating tinanggal na nursery building na pinamamahayan ng naturang ispiritu ang dahilan kung bakit ito sumasanib sa mga estudyante.

Bukod sa walong sinaniban noong nakaraang Hulyo 7, lima pang estudyante ang nasaniban din umano noong Miyerkules.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply