8 mangingisda nawawala dahil kay ‘Juaning’

KINUMPIRMA ni National Disaster Risk Reduction Management Council Executive Director Benito Ramos na walong mangingisda na ang nawawala dahil sa bagyong Juaning.

Ayon sa panayam sa radyo ni Ramos, anim sa mga mangingisda ay taga Lawaan, Eastern Samar at dalawa naman sa Brgy. Agban, Virac, Catanduanes.

Dahil dito, nakipag-ugnayan na si Ramos sa Philippine Coast Guard upang magsagawa ng search and rescue operation sa mga nabanggit na lugar para mailigtas ang mga nawawalang mangingisda.

Ipinag-utos na rin ng PCG na hindi na dapat maglayag ang mga barko o ferry boat sa mga lalawigan kung saan nakataas ang public storm signal no. 1.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply