8 nawawala, 1 barko sumadsad dahil kay Juaning

WALONG mangingisda ang iniulat na nawawala at isa ang nasugatan, samantalang 626 na mga pasahero ang na-stranded sa Bikol Region sa pananalasa ng tropical depression na si Juaning.

Kinilala ng National Disaster risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang walong mangingisda na sina Pepito Gapol, Jade Gapol, Isagani Gapol at Coloy Gayda, pawang resident eng Barangay 01, Lawaan Eastern Samar; Antonio Gamalo at Flor Gamalo ng Barangay Taguite, Lawaan Eastern Samar; Romeo Robles at Romeo Balamban ng Barangay Agban, Baras, Catanduanes.

Ang sugatang mangingisda ay kinilalang si Ronnie Tablante na residente ng Hitoma Village sa bayan ng Caramoran sa Catanduanes na nawala noong Hulyo 24 at natagpuang buhay noong Hulyo 25 at kasalukuyang nasa lokal na ospital habang ginagamot.

Iniimbestigahan din ng NDRRMC ang ulat na may tatlo pang mangingisda ang nawawala na mga resident eng Barangay Sta. Barbara, Rapu-Rapu sa Albay kung saan kinilala ang isa sa mga ito na si Salvador Dunganan.

Isa namang barko na galing Iloilo ang sumadsad sa Camarines Sur dahil sa malalaking alon. Ang MV Concepcion ay patungong San Pascual Masbate mula Pasacao Port upang magtago sa sama ng panahon ng magka-aberya ang makina nito. Ligtas naman umano ang mga tauhan ng cargo vessel.

Pito pang sasakyang pandagat at 12 bus ang naiulat na na-stranded sa gitna ng sama ng panahon sa mga apektadong pantalan kabilang ang Matnog at bayan ng Pilar sa Sorsogon, Pio Duran at Tabako sa Albay, gayundin sa Pasacao at Masbate. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply