Metro Manila lilinisin bago ang SONA

TINATAYANG may 8,000 tauhan at volunteers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), bukod pa sa mga tauhan ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila, Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), mga pribadong sector at iba pang emergency volunteer corps ang magtutulung-tulong sa paglilinis sa mga estero sa Kalakhang Maynila sa Linggo, Hulyo 24, isang araw bago ang state of the nation address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III.

Pangungunahan ng MMDA ang pinakamalaking paglilinis sa mga estero sa mga binabahang lugar sa Metro Manila.

Nangako ang AFP at PNP na magpapadala ng 1,000 tauhan para tumulong habang nasa 1,200 volunteers naman ang ipadadala ng walong pribadong sektor, volunteer groups, LGUs at mga kadete sa kolehiyo.

Nasa 1,000 behikulo at equipment ang inaasahang gagamitin sa naturang operasyon.

“We’re gathering our workforce for an eight-hour or 480-minute massive cleanup of our ‘esteros’ and other waterways, and we’re hoping this will help drum up awareness and caring for the environment and waterways,” ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino.

Ang kanilang “480-Minute Cleanup Drive” ay pagtalima sa National Disaster Consciousness Month na isinasagawa tuwing katapusan ng buwan ng Hulyo upang ipaalala sa mga taga-Metro Manila ang banta ng kalamidad.

U maasa si Tolentino na tatatak sa isip ng mga makasasaksi sa aksyon ng pamahalaan sa Linggo ang kahalagahan ng tamang pagtatapon ng basura na isa sa pangunahing programa na isinusulong ngayon ng MMDA.

Magsisimula ang “clea-up drive” mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon at hahatiin ang puwersa ng mga maglilinis sa walong Flood Control Bayanihan Zones.

Kabilang dito ang mga lugar ng Sampaloc/R. Papa area sa Maynila; Makati Diversion Channel/South Superhighway sa Makati City; Maysilo Circle, Boni Avenue, Kalentong, New Panaderos, Shaw Blvd. at Acacia Lane sa Mandaluyong City; Barangays. Salapan at Balong Bato sa San Juan City; at Dona Imelda, Damayan Lagi, Tatalon at Talayan sa Quezon City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply