9 na turista sa Boracay na-food poison

SIYAM na local tourist ang naospital matapos na umano’y mabiktima ng food toxin sa isang restaurant sa Boracay kahapon, Martes, sa ulat ng pulsiya.

Sa report na nakarating sa Camp Crame nanatiling nasa Boracay District Hospital ang mga bakasyunista matapos na malason sa kinaing seafoods.

Ang mga turista ay kinilalang sina sina Fe Macarubo, 56; Clark Macarubo, 35; Vivian Macarubo, 33; Eric Macarubo; 33, Cariss Denumtad; 32; Arnie Denumtad, 35; Charm Macarubo; Catherine Macarubo, 14 at Clever Macarubo, 8, pawang residente ng Barangay Quirino, Nueva Vizcaya.

Nabatid na nakaramdam ng pagkahilo at pananakit ng tiyan ang mga biktima dahil sa hianlang nadale ng food toxin gaya ng red tide or salmonella.

Patuloy na iniimbestigahan ng Boracay PNP ang nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply