9 opisyal ng BIR pinakakasuhan sa S’bayan

INIUTOS ni Acting Ombudsman Orlando C. Casimiro ang pagsasampa ng kasong kriminal sa Sandiganbayan laban sa siyam na opisyal ng Bureau of Internal Revenue ( BIR) dahil sa umano’y kuwestiyunableng pag-isyu at pagbebenta ng Tax Credit Certifiates (TCC).

Maliban kay Assistant Commissioner Lirio A. Cabsaba, kakasuhan rin sina Head Revenue Executive Assistant Carolina P. Pineda, Collection Service, BIR; Angelina L. Gatchalian ng Collection Programs Division, BIR; Executive Director Ernesto Q. Hiansen; Tax Credit Certificate Issuance and Application Division (TCCIAD) Chief Grace Flaminiano; Tax Specialist Imelda Ribas at Clerk III Emelita Tizon mula sa One Stop Processing Center ng Department of Finance (DOF). at mga pribadong indibduwal na sina  May B. Reyes at Fidel Najera.

Ang nasabing kaso ay isinampa ng National Bureau if Investigation (NBI) sa Office of the Ombudsman ni dating NBI Dir. Nestor M. Mantaring.

Sa 50-pahinang-desisyon, may matibay na dahilan na nakita ang Ombudsman upang sampahan ng three counts ng Estafa at Falsification sina Pineda, Reyes at Najera.

Habang, two counts naman ng paglabag sa Section 3 (e) of RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) ang iniutos na ikaso laban kina Cabsaba, Pineda, Reyes at Najera at karagdagang two counts ng paglabag sa Section 3 (h) ng RA 3019.

Sa kabilang banda sina Pineda at Gatchalian ay kinasuhan ng two counts ng paglabag sa Section 3 (a) ng RA 3019, samantalang two counts ng paglabag sa  Section 3 (e) ng RA 3019 laban kina Hiansen, Flaminiano, Ribas at Tizon.

Batay sa rekord, lumilitaw na dinoktor at pineke ang lahat ng mga dokumentong ginagamit sa pag-isyu ng TCCs na ginamit din sa pagbebenta nito sa mga pribadong corporations na malinaw na paglabag sa batas at wala aniyang buwis na napunta sa gobyerno sa naganap na bentahan ng TCCs.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply