90% ng mga solon may ‘pork’ na – SB

NAKATANGGAP na ng kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel ang may 90 porsiyento ng mambabatas, ayon kay House Speaker Feliciano “SB” Belmonte.

Ikinairita ni Belmonte ang alingasngas na marami pang mambabatas ang hindi pa nakatatanggap ng kanilang pork barrel sa ngayon.

Sa panayam matapos ang suspensyon ng sesyon ngayong umaga, sinabi ni Belmonte na halos lahat ng mga mababatas ay mayroon ng pork barrel. “Almost 90% have already received them.  We are on the process of completing the whole process,” aniya.

Sinabi rin ni Belmonte, maging sa minorya, halos lahat ay tumanggap na kanilang pork barrel.

“Most of them have it.  Tanungin mo sa kanila, sa totoo lang ikamo,” giit pa ni Belmonte.

Aniya, hindi lamang iilan ang nagrereklamo sa pagka-antala ng kanilang pork barrel dahil siya mismo ay wala pang natatanggap na PDAF.

“Ako wala rin eh. Kaniya-kaniya lang reason for the fact that ako wala rin.”

Isa sa mga nagrereklamo sa kawalan ng pork barrel na nagkakahalaga ng P70 milyon sa bawat mambabatas sa loob ng isang taon ay si Navotas Rep. Toby Tiangco.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply