Aba, Ginoong barya

ANG dasal noon ni Marcelo H. del Pilar, makata ng Bulacan, ay ganito: Aba, ginoong barya, napupuna ka ng gracia …

Ang baryang iyan ay bilyon-bilyong piso na ngayon at ang perang iyan ay naka-invest sa Bank of the Philippine Islands (BPI), sa Philex Mining at kung saan-saan pang mga negosyo.

Pagtatanggol ni Archbishop Cruz, ang mga perang iyan ay hindi maaaring gamitin sa charity dahil ito ay pera ng mga paring Kastila sa 300 years nilang pananakop sa ating bayan.

Ngunit ang perang nasabi ay galing sa mga kung tawagin nila ay mga Indio na ginawa nilang comfort women, slaves at pinagkaitan pa ng kalayaan.

Duda ako sa sinasabi ni Archbishop Cruz na hindi ito dapat gamitin sa charity. Sa aking palagay, malaki ang pakinabang ng kaparihan sa perang barya-barya lamang noong panahon ni MH del Pilar kaya ayaw nilang gastusin ang perang iyan para sa charity at sa iba pang mga “banal” na gawain.

Kita nga ninyo at pati mga obispo ngayon ay may bilyon-bilyong  pisong nakatago sa stock market. Sa kabila niyan, panay ang hingi ng kaparian sa gobyerno para sa kanilang sports utility vehicle, isang uri ng sasakyan na hindi lang pang sports lamang, baka pampamilya pa.

At lahat ng mga pari sa siyudad, baka pati sa malalayong simbahan, ay puro naka-aircon at maraming kasambahay na hindi man lamang pinasusuweldo. May mga naaabuso pa. Tao lamang po sila.

Alam naman ninyo, ang daming pari na may sarili nang pamilya maski bawal ito sa kanilang relihiyon. Yung mga nabubuking, o di na makatiis sa kanilang pagka pari ay lumipat na ng sariling relihiyon nguni’t sa pangalan pa rin ng Kristiyanismo.

Okay lang na magkamal ng pera ang mga pari. Sila ay tao rin lamang at siyempre, dahil binata kuno ang mga ito, mahilig din sila sa kotseng pang sports na, pang pamilya pa.

Kaya lamang, sana ay aminin na nila na ang relihiyon ay isang negosyo, at bilang negosyo, dapat itong patawan ng buwis.

Narinig ba ninyo yung obispo sa Senate hearing na kung galing sa demonyo ang pera ay tatanggapin pa rin niya kung ang makiki-nabang dito ang simbahang Katoliko? At pautot pa nung obispo, wala pa raw siyang nakikitang demonyo sa buong buhay niya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply