Abu Sayyaf tutugisin kahit Ramadan

BINANTAAN ni Pangulong Benigno Aquino, Jr. ang mga bandidong Abu Sayyaf na sila ang nangunguna sa kanyang “radar” at iniutos na ituloy ang operasyon ng militar laban sa mga ito kahit pa magsimula ang Ramadan upang makamit ang hustisya sa pagkakapatay sa pitong sundalong marines at pagkakapugot sa dalawa rito sa isang sagupaan na naganap sa lalawigan ng Sulu noong Huwebes, Hulyo 28.

Kinondena ng Pangulo ang karumal-dumal na pagpugot sa dalawang sundalo na lalo umanong nagbigay ng bigat sa proseso ng katahimikan sa Mindanao na naglayong i-diskaril ang mga hakbang ng pamahalaan tungo sa pagresolba sa mga ugat ng rebelyon, terorismo at mga tulisan sa Mindanao.

Idiniin ng Pangulo na ang mga gumawa ng mga pamumugot ay ayaw ng katahimikan at pag-unlad kaya’t kailangan ng kalusin ang grupong ito upang mawala na ang sagabal sa katahimikan at pag-unlad sa rehiyon at tuluyang makapasok ang pamumuhunan sa mga lalawigan tulad ng Sulu.

Ayon naman kay Abgail Valte, tagapagsalita ng Pangulo, na malinaw ang utos ng Pangulo na hindi hihinto ang operasyon laban sa Abu Sayyaf kahit magsimula na ang Ramadan sa Lunes, Agosto 1. Pero pag-uusapan pa rin umano ang desisyong ito ng mga kasama ng Pangulo sa pamunuan.

Binigyan na rin ng kaukulang benepisyo at alalay ang mga naiwang pamilya ng mga nasawing marines na dumating na ang mga katawan sa Maynila at inilagak sa  himpilan ng Philippine Marines sa Fort Bonifacio at nakatakdang iuwi sa kani-kanilang mga lalawigan. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply