Abusado at sinungaling nga ba si Morato?

SINUNGALING at mega-abusado. Ito ang tawag ng mga kritiko ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office Board Member Manoling Morato.

Wala siyang preno kung gumamit sa pondo ng gobyerno sa kanyang mga Public Affairs Program sa kanyang TV show na ‘Dial M’ sa NBN-4 kaya abusado.

Alam ba ninyo na tinawag ni Morato na “sinungaling at maingay lamang” sina Sen. Chiz Escudero at Sen. T.G. Guingona sa kanyang TV show na ipinalabas sa imbestigasyon?

Nagulat nga si Guingona sa narinig niya sa halip ay ngumiti na lang siya, para bang awa ang nadama sa taong nagbintang sa kanya na sinungaling siya.

Ang mabigat dito, sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee ay nabungkal ng mga senador na lingguhan palang   nagbibigay ng pera sa 25 security guards ng NBN-4 sa tuwing on the air ang kanyang TV show sa government channel.

Pero huwag ka, hindi naman niya pera  ang ipinamimigay niya dahil ito ay pera ng PCSO na dapat ay ginagamit lang para sa mga mahihirap na maysakit.

Dahil dito, lalo lamang ibinaon ni Manoling ang kanyang sarili sa gadambuhalang mga anomalya sa PCSO na naganap noong nakaraang rehimen sa pamumuno ni Rosario Uriarte.

Napatunayan kasi ng mga senador ang pagsisinungaling ni Morato nang diretsahan niyang sabihin na wala siyang kinalaman nang likhain ng PCSO ang Small Town Lottery (STL) noong 2005.  Pinabulaanan niya at siya ay naghugas-kamay na inosente siya sa pagkakaroon ng STL gayong kitang-kita sa resolusyon ang kanyang partisipasyon.

BOOKIES NG STL SA LAGUNA

Namamayagpag ang bookies ng STL nina Ronel at Tata Bert sa Biñan.

Hindi mapatigil dahil sa malaki ang I.N.T. na ibinibigay sa kapulisan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply