Actress-TV host walang keber sa paghihirap ng bansa!

GAANO katotoo na bumili ng limang mamahaling relo ang isang actress-tv host na iba-ibang design? Almost P2 million daw ang isa. Umaabot ito ng almost P10 million.

Wala namang problema dahil malaki talaga ang kinikita ng actress tv-host sa kanyang mga ini-endorse at mga teevee shows. Kayang-kaya niya talagang bumili ng mga expensive na relo.

Pero, mainit lang talaga ang mata sa actress-teevee host dahil sa pagkakataong ito, isa siya sa dapat manguna sa pagtitipid at tumulong sa tao sa sunud-sunod na kalamidad na dumarating.

Kesa nga namang magpabongga sa limang relo na binili niya, sana nga lang ay naghinay-hinay siya dahil nakaaapekto raw ito sa posisyon ng pamilya niya.

Tsuk!

***

ANG ganda ng feedback kay Lovi Poe sa pelikulang “Temptation Island.” Hitsurang star of the hour siya ng Regal Films. Siguradong siya ang ibebenta ni Mother Lily  sa promo ng “My Neighbor’s Wife.”

Anyway, kumislap ang mga mata ni Lovi nang tanungin kung totoong nililigawan siya ni Jake Cuenca at kung totoong siya ang rason kung bakit nasa premiere night ng Temptation Island ang actor. Naku, ’di kaya si Lovi na ang ipinalit ni Jake kay Melissa Ricks?

“Siya na lang ang tanungin ninyo, I don’t want it to come from me. Basta friends kami. Magkakilala na kami sa Bench pa at mas naging close lang kami sa shooting ng My Neighbor’s Wife,” pahayag ng dalaga.

Nangangamoy bagong romansa, ha!

***

HINDI lang sigarilyo ang pinag-iinitan ngayon ng MMDA (Metro Manila Development Authority) kundi pati ang billboard nina Angel Locsin at Anne Curtis ay pinagbabaklas sa Edsa dahil lack of permit, violating the National Building Code and for being offensive.

Sinimulan din ito sa pagbababa ng sexy billboard ng Philippine Volcanoes, the country’s rugby team sa Edsa.

Lam mo na?

***

WALA namang pinagsisihan si AJ Muhlach kasama si Aki Torio kung natanggal siya sa “Party Pilipinas” dahil nasa “Bagets” siya ng TV5. At least ngayon, nakikilala siya bilang AJ Muhlach at hindi bilang XLR8.

Nami-miss din nila ang kasamaha nila sa naturang noontime variety show tuwing Linggo pero career move ang ginawa nilang mapasama sa Bagets.

Napalitan naman daw ang Party Pilipinas ng Hey It’s Saberday ng TV5.

Sa tsikahan namin kay AJ Muhlach sa kanilang mall show ay minsan din siyang naha-harass ng ilang nanggigigil na fans.

Kahit alerto si AJ kung anumang mangyari, nakalusot din ang ilang fans (babae, lalaki at bakla huh?!). Lalo na sa pictorials, nakayakap nga raw pero pinipisil ang kanyang tiyan. Minsan din mayru’ng isang fan, muntik na lang madukot ang harapan niya.

Hindi pa naman siya nagkaru’n ng indecent proposal sa gay. Pero nu’ng 17 years old siya (bago pumasok sa showbiz), pauwi na ng kanilang bahay sa New York (Cubao), mayru’n siyang stalker. Sutsot nang sutsot daw ito sa kanya. Tingin naman niya’y isang tunay na lalaki pero isang macho gay pala.

Inalok siya ng 2K para sa isang BJ (blow job) ng macho gay. Shocked ang kapatid ni Aga Muhlach sa ama at nagmamadaling lumakad ang bagets.

Nang lingunin niya ang macho gay, lima ng bading ang humahabol sa kanya. Hindi na niya hinintay na sumakay ng jeep at pasikot-sikot na lang siya sa ilang eskinita para makarating sa bahay nila.

Napag-alaman din namin kay AJ na silang dalawang bida ni Nadine Lustre sa TV remake ng 1981 movie nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, ang “P.S. I Love You.”

Ayon kay AJ, kasama rin si Gabby bilang ama niya. Nasa cast din daw si Alex Gonzaga. Ano naman ang role ng kapatid ni Toni dahil nagbida na ito?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply