AFP magpapaimbestiga sa 2004 poll fraud

NAKAHANDA ang Armed Forces of the Philippine na sumalang sa imbestigasyon sakaling muling mabubuksan ang hinggil sa umanoy malawakang dayaan noong nakalipas na May 10, 2004 election.

Ito ay kasunod na rin ng paglutang ni dating Mindanao Comelec officer Lintang Bedol na nagbulgar kamakailan na may naganap na manipulasyon noong nakaraang eleksyon  sa rehiyon ng Mindanao kabilang na rito ang lalawigan ng Maguindanao kung saan natalo ang halos lahat ng kandidato ng oposisyon.

Ayon kay AFP Spokesman Commodore Miguel Rodriguez, nakahanda ang pamunuan ng hukbong Sandatahan na makipagtulungan sa lahat ng ahensiya na magsasagawa ng imbestigasyon.

Subalit nilinaw ni Rodriguez na labas na sila o maaaring hindi na nila saklaw ang mga retiradong opisyal na sinasangkot sa mga nakalipas na dayaan sa halalan dahil ibang ahensiya na umano ang tututok dito.

Magugunitang lumutang ang mga pangalan ng ilang senior military officer na sangkot sa malawakang dayaan. Kaugnay na rin sa lumutang na Hello Garci scandal kung saan apat na heneral ang sinasabing nagmanipula sa 2004 presidential election kung saan ay tinalo ni GMA ang actor na si Fernando Poe Jr.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply