AFP tiniyak na walang kudeta

TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang magaganap na kudeta o pag-aaklas sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Ayon kay AFP spokesman Commodore Miguel Rodriguez, nalinis na nila ang kanilang hanay mula sa mga opisyal na malapit sa dating administrasyong Arroyo.

Binigyang-diin ni Rodriguez na nananatili ang kanilang katapatan sa bansa at maging kay Pangulong Benigno Aquino III, na kanila aniyang commander-in-chief.

Samantala, tiniyak din ni Sen. Gregorio “Gringo” Honasan na walang magaganap na kudeta sa kasalukuyang administrasyon.

Masyado na umano siyang matanda para masangkot sa mga tangkang pagpapabagsak sa gobyerno.

Sinabi pa ng senador na marami na ngayong paraan para isulong ang hinihinging pagbabago sa gobyerno.

Nasangkot si Honasan sa pitong tangkang kudeta sa administrasyon ni dating Pangulong Corazon Aquino, ang namayapang ina ni Pangulong Noynoy.

“Unnecessary, no reason (para magkudeta) ang dami na ngayong pamamaraan,” anito.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply