Agawan sa 2nd spot sa team standings

UMAATIKABONG bakbakan sa pagitan ng Alaska Aces at Barangay Ginebra ang tunggalian nila Biyernes ng hapon sa bagong bihis na Smart-Araneta Coliseum kung alin sa dalawa ang mananatiling nakabuntot sa bumabanderang Tropang Texters (7-3) ng PBA Governor’s Cup.

Tangan kapwa ng Aces at ng Gins ang 6-win, 4-losses na record kasama ang Petron Blaze Boosters na nagbigay sa Gin Kings na kanilang huling pagkatalo kasunod ng isang upset win ng Rain Or Shine laban sa Tropang Texters, 96-81, Miyerkules ng hapon.

Nanalo naman ang Elasto Painters laban sa Tropang Texters na wala ang kanilang head coach na si Yeng Guiao na pinagsilbihan ang isang game suspension bukod sa pagmumulta sa P30,000 na ipinataw ng PBA board. Si assistant coach Caloy Garcia ang pansamantalang gumiya sa Elasto Painters na hindi binigyan ang team ni Chot Reyes na makatikim ng kalamangan sa buong laro.

Umahon naman sa 28 puntos na pagkakalubak sa 3rd quarter ang Boosters na unti-unting nginatngat ang abante ng Gins hanggang magkapantay sa regulation period sa score na 85.

Sa pagsungaw ng extra period umarangkada sina Anthony Gundy at Alex Cabagnot para makaungos sa kinapos na mga paltos na free throw shooting ng tropa ni coach Jong Uichico.

Babawi ang Tropang Texters kontra B-Meg Derby Ace (5-5) sa first game habang laglagan ang laro ng Ginebra at Alaska sa main encounter habang nakapahinga ang Petron Blaze Boosters.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply