Aiko Melendez ayaw pag-usapan ang ex

AYAW pag-usapan ni Aiko Melendez ang hidwaan nila ng kanyang ex-BF na si Bulacan Mayor Patrick Meneses dahil on-going pa ang kaso nila sa korte. Pinabulaan din niya ang tsikang may nangyaring out of court settlement na sa kanila ni Meneses. Ni hindi pa rin daw sila magkaibigan ulit up to now and they are not speaking to each other.

Mas binibigyang atensyon niya ngayon ang pagbabalik niya sa TV via Reputasyon kasama si Cristine Reyes. Upbeat ang role niya dito kasi siya ang magpapahirap ng buhay ni Cristine dito. Sinabi niya rin na hindi siya exclusive sa ABS-CBN. “Mas minabuti kong maging freelancer. Sa katunayan, dapat nga ay sa GMA ako unang lalabas ulit sa “Gintong Basahan” kaso hindi lang ako natuloy. But of course habang on-going ang Reputasyon, hindi muna ako pwedeng lumabas sa iba,” pahayag ni Aiko.
Wala rin sa isipan niya ang politics ngayon. Hindi pa niya alam kung tatakbo siya ulit sa 2013 at sa anong posisyon. Sa ngayon ay naghihintay pa siya ng sign. “Hindi naman ako na-trauma sa politics dahil nga sa nangyari last election. Umabot na kasi ako sa point of acceptance. Natanggap ko nang hindi ako pinalad kaya move on na lang at naisip ko ngang magbalik na ako sa showbiz. Anyway kahit wala naman ako sa politics ngayon ay marami pa rin akong natutulungan na mga tao,” pahiwatig ni Aiko.

oOo

INAMIN ni Cristine Reyes na nagulat siya nang nalaman niyang inilagay sa hapon ang bago niyang soap na Repustasyon imbes na sa primetime. Pero okey rin daw sa kanya kahit sa hapon sila kasi sila ang ginawang pang-banner ng Kapamilya Gold afternoon block ng ABS-CBN.

“Lahat ay nagre-request na gawin kaming primetime. Pero nagpapasalamat pa rin ako sa tiwalang ibinigay sa amin ng ABS to lead the afternoon block. Malaking pressure ito para sa amin pero kaya namin ito,” pahayag ni Cristine.

Noong una raw ay nagkailangan sila ni Aiko sa taping kasi nagkaroon ito ng gap dati sa sister niyang si Ara Mina. Pero natutuwa siya at nagkaayos na sila nito ng kanyang sister. “Ang sweet nga ni Ate Aiko sa akin. Palagi niya akong binibigyan ng pagkain and little things,”tugon ni Cristine.

Hindi naman siya naiilang na kapareha niya ulit sa Reputasyon ang kanyang real life BF na si Rayver Cruz. “Inspired pa nga akong mag-work kasi nakakasama ko siya sa taping. Hindi kami nako-conscious sa isa’t isa. Mas gusto nga namin ang palagi kaming nagkakasama,” pahiwatig ni Cristine na obvious na in love.

oOo

Rayver nakasimangot kapag pinag-uusapan si Sarah

SAMANTALA, biglang sumimangot si Rayver Cruz nang tanungin namin siya tungkol kay Sarah Geronimo. “Please ayoko siyang pag-usapan. Huwag na lang. Mag-concentrate na lang tayo sa Reputasyon,” pag-iwas ni Rayver.

Ganoon ba ka-hate ni Rayver si Sarah? Bakit patuloy niyang iniwasan ang ex niya samantalang very game na si Sarah na pag-usapan siya at sabihing naka-move on na ito sa kanya?

oOo

INAMIN ni Cesar Montano na wala na sa kanyang poder ang anak niyang si Diego Loyzaga. Sa tita niya na si Bing Loyzaga na ito nakatira kasi ito raw ang gusto ng bata.

Pero hindi raw totoo ang tsikang pinapauwi na ni Teresa Loyzaga si Diego sa Australia. Hindi raw pwedeng mangyari ‘yun kasi nag-aaral daw si Diego at siya ang nagpapaaral dito.

Sinalungat din niya ang mga lumalabas na balita na may gap daw silang mag-ama ngayon. Nang tanungin daw niya si Diego tungkol dito ang tanging nasambit lang nito sa kanya ay, ‘it didn’t come from me Dad.’

Ayaw naman niyang mag-comment tungkol sa controversy na kinasasangkutan ng dati niyang “asawa” sa TV na si Maricel Soriano. “Malungkot lang ako siyempre sa nangyari. I think the best thing I could do is to keep quiet and pray,” tugon ni Cesar.

Huling kita raw niya kay Maria ay nang napanood niya ito sa “Party Pilipinas” na nagsasayaw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply