Air tragedy sa Pampanga paiimbestigahan ng DOTC

PINAIIMBESTIGAHAN ng Department of Transportation and Communications sa pamamagitan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang tunay na dahilan ng pagbagsak ng isang eroplano na ikinasawi ng dalawang katao sa Pampanga noong Biyernes ng hapon.

Ayon kay Transportation Secretary Mar Roxas, nais nilang mabatid kung ano ang naging dahilan ng pagbagsak ng Cessna plane ng Omni Aviation Corporation Flying School sa Sta. Maria, Magalang, Pampanga.

Ani Roxas, hindi siya kumbinsido sa pahayag ng pamunuan ng Omni Aviation na maganda ang maintenance ng C-152 two-seater aircraft at dumaan sa masusing pagsusuri ng awtoridad ang naturang eroplano.

Kinilala ni Captain Benhur Gomez, pangulo ng Omni Aviation Corp. Flying School, ang mga namatay na sina Tian Yu Wong, na siyang piloto ng naturang eroplano at co-pilot nito na si Alfred Christian de Leon.

Ang pagsisiyasat ay para mabigyan-daan ang paglalapat ng karampatang aksyon sa anumang kakulangan ng pamunuan ng Omni Aviation. Jhie Convocar

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply