Air21 zero hanggang sa dulo

TINALO ng Talk N’ Text Tropang Texters ang Air21 Express, 145-116, sa kanilang laro sa PBA Governors’ Cup Linggo ng gabi sa Araneta Coliseum.

Best player of the game si Ryan Reyes na nagtala ng 19 points, 3 rebounds at 2 steals. Tuluyan na nagpaalam ang Air21 Express sa Governors’ Cup na walang naipanalo kahit isang laro.

Maging ang kanilang import na si Alpha Bancura ay hindi rin gaanong gumawa maging ang mga local players.

Dismayado rin ang kanilang headcoach na si Bong Ramos sa kanyang team at kailangan sa susunod na PBA season ay magsumikap ang kanyang koponan upang hindi masadlak na naman sa kahihiyan ng kanilang fans.

Simula sa una hanggang huling quarter ay hindi nakaporma ang Air21 Express at lalong tinambakan ng Tropang Texters. Sa ngayon ay kumpleto na ang seminafinals cast ng PBA Governors’ Cup na magsisimula sa darating na Biyenres na gaganapin sa Araneta Coliseum ang mga laro.

Bagama’t mayroon pang natitirang laban sa Miyerkules ay tatapusin na lamang ito at magsisimula na kaagad ang bakbakan ng semifinals round. Maghaharap ang Powerade Tigers kontra Meralco Bolts at Rain Or Shine Elasto Painters laban sa Barangay Ginebra Gin Kings.

Sa siyam na koponan, tanggal na ang Meralco Bolts, Powerade Tigers at  Air21 Express.

Ang Air21 Express ang pinakakulelat sa lahat dahil walang naipanalong laro (0-8).

Sa susunod na season ay kailangang bumawi ang Air21 Express upang hindi na maulit ang kanilang masamang rekord sa PBA Governors Cup. Dapat ding mag-ensayo ng maaga ang mga bata ni Ramos upang lalong paghandaan ang susunod na PBA season.

Tiyak umaatikabong bakbakan ang semifinals rounhd dahil inaasam-asam ng anim na koponan na makarating sa finals.

Sa ngayon ang Tropang Texters ay magsusumikap na makapasok sa finals dahil pangarap nila na makamit ang grand slam sa PBA upang tularan ang Crispa at Toyota noong araw na ilang beses nakakuha ng grand slam.

Dapat na paghusayan ni Chot Reyes na hindi sila madiskaril sa semifinal round at matikman niya ang unang grandslam sa PBA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply