Aksidente: Piyesa ng sasakyan at 60K/HR

MALAKI ang ipinagkaiba ng bilang ng mga aksidente sa killer haywey na Commonwealth Avenue, Q.C. noong araw at ngayon.

Ito’y dahil sa pagpapairal ng 60 kilometers per hour na pinakamabilis na takbo ng sasakyan ngayon sa lugar kumpara noon na ginagawang karerahan ito.

Sa kabila ng malaki na kabawasan sa aksidente, marami pa ang nasasangkot dito.

Dito dapat na mag-aral ang mga onorabol sa mga dahilan ng mga sakuna, bukod sa oberspeeding at kabarumbaduhan ng mga drayber.

Sa totoo lang, walang gustong maaksidente at maka-aksidente.

Pero bakit marami pa rin ang ganitong mga pangyayari?

oOo

Sa sarili nating karanasan, nasa mga piyesa na nabibili natin ang mga depekto.

Sa preno na namber wan na pamigil sa aksidente, Suki, yang mga oil seal o oil caps na ginagamit sa preno ay pawang mga marurupok.

Ang daming peke na ibinebenta at para sa mga pampublikong sasakyan, akalain mong tatlong araw lang ay sira na ang mga ito kaya nalulusutan ng preno ang mga sasakyan.

Ang mga hydrovac ay marurupok din at nakapag-iinit ng ulo na bebentahan ka ng tig-P6,000 bawat unit, eh, madali palang masira.

Kaya naman marami ang nagtitiwala sa mga orig na piyesang ganito kahit na luma.

Kaya lang, ang luma o segunda mano ay luma pa rin at maigsi ang buhay.

Diyan na nalolos breyk ang mga sasakyan at na-ririyan na ang mga sari-saring banggaan.

Marami ring piyesa na bago ngunit kapag replacement naman ang nabili mo, hindi uubra maging ang dasal laban sa disgrasya.

oOo

Magpapasalamat tayo sa mga onorabol kung mabigyan nila ng pansin ang mga problemang ito, Suki.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply