Aksyon nina Rickets at Lim sa Pirated DVD, pinuri

PINAPURIHAN ng ilang concerned citizen  ang seryosong panghuhuli nina Optical Media Board chief Ronnie Rickets at Manila Mayor Fred Lim sa mga pirata ng DVD, VCD at iba pa, kabilang na ang mga nagtitinda ng mga piniratang produkto ng mga ito.

Natigil ang talamak na pagbebenta ng mga pirated na DVD at VCD sa Quiapo at sa iba pang lugar.

Kasabay ng papuri ang  batikos ng concerned citizens sa ilang kapatid nating DVD vendors na nagbebenta ng mga pirated dvd na pawang lumaki na ang mga ulo at yumabang dahil naglalagay sila. Pero ‘yung iba, OK lang daw dahil negosyo lang ang kanilang layunin.

Ang masakit daw dito, sa kabila ng seryosong pagbabawal na ‘yun ay patuloy naman ang mga kuliglig sa pamamasada sa mga pangunahing kalsada na siyang dahilan ng pagkakabuhol ng daloy ng trapiko sa Maynila.

Basahin natin ang reaksyon ng ilang concerned citizen ng Manila.

Gud eve, Sir Johnny. Naging seryoso ang OMB head Ronnie Rickets at sa suporta ni Manila Mayor Fred Lim ay natigil ang mga nagbebenta ng pirated dvd sa Quiapo. Tama rin sapagkat marami sa mga DVD vendor na ‘yan ay lumaki na ang ulo at yumabang dahil naglalagay sila. Yung iba naman ok naman dahil negosyo lang.

Subalit sa kabila ng seryosong  pagbabawal na ‘yun ay patuloy ang pamamasada ng mga kuliglig sa Manila,  partikular sa Divisoria, etc.

PROTECTION  AT TONG TULOY

Wala pa ring tigil ang pagpoproteksyon at pangongolekta ng lingguhang I.N.T. (intelihensiya) nina Supt. Quelates at Mamangon sa mga pasugalan at iba pang bisyo sa Bulacan.

E, paano matitigil ang  talamak na iligal na pasugalan at iba pang bisyo kung malaki ang nakokolekta ng mag-amo sa mga gambling operator sa Bulacan?

Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply