Albie Casino Nakalagpas Na Ang Unos!

KUNG dati’y apektado at stressful ang pamilya Casino sa kinasasangkutang isyu nito (Albie), ang buntis issue with Andi Eigenmann, ngayo’y happy na ang pamilya lalong-lalo na kay Mrs. Rina Casino, na pulos positive ang dumarating na kasagutan sa kanilang dasal noon na sana’y malampasan ni Albie ang kinakaharap na isyu with Andi.

Marami palang magagandang plano for Albie ang Kapamilya network. Pagkatapos magpakitang-gilas sa pag-arte sa last Saturda’y’s Maalaala Mo Kaya, ngayo’y isang malaking project ang inihahanda for Albie.

Isang teleserye na uumpisahan na soon ang ipinangako sa kanya.

Kaya naman pala nawala siya sa Growing Up, ay kagustuhan yon ng management at hindi ito parusa sa aktor sa nagyaring buntisan-issue. After all, wala pa namang direktang pruweba na si Albie nga ang magiging tatay nang soon-to-be baby ni Andi.

Ginu-groom to be a mature actor si Albie, the fact na isang sundalo ang naging role nito sa MMK last episode, ibig sabihin graduate na siya sa pa-tweetum roles.

“Baka magmukhang-Mara Clara ang Growing Up ‘pag isinama pa si Abie do’n,” tsika ng aming source.

Yon pala, kaya ipinasok si Sam Concepcion.

—@@@—

INABUTAN namin ang pitong guys sa Grams restaurants, pawang mga cute at pang-hearthrobs ang dating. Sila pala ang i-o-audition o kaya’y ipinapahanap ng production para sa ilang important roles sa gagawing project ng Kapamilya, ang Doha, starring Jake Cuenca at Shaina Magdayao.

Ang nasabing film project ay kukunan sa bansang Qatar. Diumano’y tatagal ng one-month ang siyuting doon.

In fairness, sa pitong aspiring actors, ang alaga ni Benjie Alipio na si Ivan James something ang stand-out among the go-seer’s. Umaarte na rin pala ito. Balita naming naka-apat na teyping na si Ivan James sa isang serye sa GMA-7 at okay naman daw ang exposure sa nasabing network.

Kaya lang, dahil sa panawagan ng Kapamilya for the said audition, na-tempt si Mama Benjie na i-try ang alaga at i-audition para sa soon-to-be Piolo Pascual or John Lloyd Cruz, ganun?

Tutal, wala pa naman daw itong kontrata saan man, kaya’t wala itong nilabag na kasunduan.

—@@@—

BY THIS time, nasa Qatar din ang katotong Ogie Diaz. Kagagaling din ng katotong Ogie sa isang commitment sa London, ayon sa aming source.

Nang i-text namin siya for an interview with Vice Ganda, sinabi nitong  nasa London siya that time, and that was last week.

May nagsabi lang na baka sumegue si Ogie sa Qatar kaya’t hindi muna ito makakapag-comment sa mga isyung ibinabato kay Vice.

In fairness, mataas ang rating ng “Gandang Gabi, Vice” at humahataw ito sa trending worldwide habang ipinapalabas ito every Sunday.

Wala pa ring kumakabog sa show nitong “Showtime,” everyday, Mondays to Saturdays at patuloy pa rin itong dinadagsa ng mga taong gustong manood. Kaya tuloy, iniluwa ang isyung lumalaki na raw ang ulo ni Vice dahil sa tinatamasang tagumpay.

“Hayaan na (ang mga isyu),” text ni Ogie sa amin.

“Ganyan naman ang puno kapag hitik sa bunga, laging pinupukol. Pupukulin mo ba ang puno na ni sanga ay wala?” seryosong text ni mareng Ogz.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply