Albie Casino nasa kangkungan na!

WALANG tigil ang isyu  na madalas daw gumimik itong si April ‘Congratulations’ Gustilo. Lagi raw itong laman ng bar. At pag nalalasing daw ay laging naghahanap ng away.

Kamakailan nga raw nu’ng muli siyang gumimik ay napaaway na naman siya. Duguan daw itong  umuwi dahil hinampas siya ng bote ng babaeng nakaaway niya.

Nagpamedical pa nga raw ‘yung kaaway niya

Todo deny naman si April.

“ Ha? Kailan ‘yun. Hindi po si Was at Ate Sam ‘yun. Palagi na lang ako. Kalurkey ang balita,” sagot niya sa text.

Hindi maganda ang mga nababalitaan namin kay Congrats simula nu’ng mawala siya sa ‘ Wil Time Big Time’. Ang paalam niya noon ay mag-aaral daw siya sa
Ateneo. Pero nakikita naming umaarte na siya at nagraradyo pa tuwing madaling araw sa Radyo Singko.

***

NUMBER one Miyerkules sa Yahoo Philippines Trending si Albie Casino dahil sa pagsasalita ni Mark Gil sa kalagayan ng kanyang anak na si Andi Eigenmann.

Bagamat hindi binanggit ni Mark na si Albie ‘yun, he gave clues that seem to pinpoint him.

Ang tanong ngayon, may career pa ba si Albie pagkatapos ng mga isyung ito lalo’t tsinugi siya sa mga projects na dapat ay gagawin niya? Kinansela na siya sa pagsasamahan nila ng ka-loveteam niyang si Kathryn Bernardo.

Sayang siya, huh! (Maldita at mahadera kasi! – Ed)

***

NASA Junior year ngayon ang isa sa “Bagets” na si Josh Padilla, ang anak ni Gino Padilla na ngayo’y pinasok na rin ang showbiz.

Sey ni Josh may basbas naman ng kanyang mga magulang as long as hindi niya pababayaan ang kanyang pag-aaral. Ito raw ang kanyang priority.

Nasa 3rd year ngayon si Josh ng ComTech sa Ateneo de Manila University.

As of now, concentrated siya sa acting hindi sa singing. Very supportive ang kanyang parents.

Crush pa rin niya hanggang ngayon si Cristine Reyes. Kahit  iisa ang kanilang mother studio, ang Viva Artist Agency, hindi  pa rin sila nagkikita.

Sa “Bagets” love triangle sila nina AJ at Nadine.

Si Josh ay 18 na at he tries to be wholesome pero hindi naman siya nagsasalita ng tapos. At wala pa siyang girlfriend (as is dyowa) hanggang ngayon. Studies daw muna. Pinaninindigan niyang virgin pa siya.

Owss? Hindi nga?

***

NAGULAT si Aki Torio  sa tsismis na natanggal siya sa “Bagets.”

Nagulat lang ang reaskyon ng binatilyo dahil ‘di naman totoo.

Nasa Tokyo, Japan ang  ama (Hapon) at ina (Pinay). Nais pala ng mga magulang nito na sa Japan na lang siya mag-aartista pero mas feel ni Aki sa ‘Pinas.

Kasama ni Aki ang kanilang tita sa ‘Pinas.

Kahit natsugi siya sa “Party Pilipinas” dahil sa pagsali sa Bagets  ng TV5 tuloy pa rin siya sa “Walang Tulugan” with The Master Showman.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply