Albie di pa sumisikat, osla na!

NAGSISIMULA pa lamang ang isyung buntis si Andi Eigenmann ay nagdelikado na kaagad ang kasisimula pa rin lamang na career ng isang Albie Casiño.

Iniatras ang plano ng ABS-CBN na isama pa siya sa ilang shows sa network.

Hindi naman ito bilang simpatya kay Andi kundi talagang masama ang epekto ng sitwasyong ganito.

Kapag may isang showbiz dad na ayaw umako sa pinag-uusapang anak, talagang sa kulturang Pinoy, sablay siya.

Si Albie ang example ng hindi pa sumisikat, laos na.

Hindi na siya natuto sa isang Dennis Trillo na ayaw umamin noong una na anak niya ang dinadala ni Carlene Aguilar, kaya lumamlam ang career ng aktor mabuti at nakabawi dahil bumait naman sa kanya si Carlene.

Si Coco Martin ay parang may time bomb sa katawan. Kapag ang anak na niya kay Katherine Luna ang nagsalita sa harap ng madla baka sumabog sa mukha niya ang kanyang paurong na paninindigan.

Samantalang si Robin Padilla noong dekada nubenta, lahat ng ipaako na anak niya ay buong-pusong inaako niya kaya kahit hindi niya nga anak ay inakalang anak niya ang isinilang noon ni Joebelle Salvador.

Ang kapalit nito ay lalong hinangaan si Binoe ng madla.

Ang anak ay biyaya. Pangalagaan at huwag ipagkait sa kanila ang karapatang magkaroon ng ama at ina.

Ang latest dito mga tsong at tsang, kaya naman daw ipagtanggol ni Albie ang kanyang sarili. Pero ang isyu, kaya niya bang wasakin pa ang katauhan ni Andi sa kung anuman ang kanyang mga nalalaman?

Baka mas pinili niyang manahimik alang-alang sa kanilang pinagsamahan.

***

MATAPOS ma-link sa isa’t isa sina John Prats at Bianca Manalo ay panay ang denial nila. Gusto ring pangalagaan ni Bianca ang image niya bilang isang beauty queen.

Nag-iiba na ang tono ngayon ni Bianca sa pagpapahayag sa media. Umaamin na unti-unti na pwedeng maging sila ni John.

Mahirap talaga ang buhay ng mga artista, mga tsong at tsang.

De numero ang mga kilos, napipilitang magsinungaling alang-alang sa kanilang mga career.

Sa sitwasyon ngayon, parang inagawan nga ni Bianca si Rachell Ann ng lalaki.

Negatibo para sa imahe niya, pero mas makatutulong kung huwag nang umarte-arte pa. Sabihin ng diretso kung meron silang relasyon o wala.

Tila rito kasi napikon dati si Boy Abunda. Direktang tanong sa interview, paduday-duday pa si Bianca.

Sa hinaba-haba ng prusisyon kung sa simbahan din pala ang tuloy, huwag nang inisin ang mga miron.

Flanguk!

***

MAINGAY ngayon ang isyu tungkol sa babae diumano na biktima ng gang rape ng mga members ng team Azkals.

Sa internet unang kumalat ang kontrobersya at lumabas na ang pangalan ng diumano’y Pinay na biktima.

Ang apat naman na football stars ay nagbigay agad ng depensa pero hindi rin malinaw na sinabi nilang walang nangyaring krimen. Basta may galit daw sa kanila at gustong gumanti.

Muling nagpa-interview ang babaing biktima raw pero ayaw na niyang magpakita ng mukha.

Ang dahilan kung bakit siya nagpapa-interview ay nagrereklamo siya na napwera siya sa FHM anniversary bilang isa sa mga modelo at sabi niya, malamang ang eskandalo sa Azkals ang rason.

Mga tsong at tsang, wala ba kayong nahahalata?

Binanggit na ang pangalan niya, ngayon itinatago. Ayaw niyang ilabas ang mukha niya sa TV interview pero alam niyang pinag-uusapan siya at gusto pa niyang sumabak sa entablado sa FHM event. Ano, magtatakip din siya ng mukha roon?

Ang apat naman ay walang official statement na tuwirang nagpapahayag na hindi namin ginawa ang krimen.

Samakatuwid, may nangyari kaya pero hindi sapilitan? Kung gayon, matatawag ba itong krimen? Ang sagot, kung paninindigan ng babae ang reklamo para ipaglaban ang kanyang karapatan. Hangga’t paduday-duday silang lahat, huwag na lang nating husgahan ang apat na manlalaro sa napaka-sensitibong bintang sa kanila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply