Albularyo ginilitan ng may sapi

NASINDAK ang mga pasyente ng isang arbularyo nang gilitan ito ng leeg ng lalaking sinasabin umano ng masamang spiritu na kanyang ginagamot sa Compostela Valley, sa ulat ng pulisya.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang karahasan sa Purok 2, Montevista, Compostela Valley province.

Kinilala ang suspek na si Feleciano Ramuga, Jr. isa sa mga nagpapagamot sa biktima na kinilalang si Alfredo Panes Jr., 54, albularyo sa nasabing lugar dahil sa masamang espiritu na sumasanib sa lalaki.

Sa pagsisiyasat ng Montevista PNP, lumalabas na mahabang gamutan ang ikinasa ng biktima kaya sinasabing pinatulog pa ng albularyo sa kanilang bahay ang suspek habang nagpapatuloy ang gamutan.

Ngunit laking gulat ng ilang pasyente nang malaman na bigla na lamang  kumuha ng itak ang suspek at tinaga sa leeg ang biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply