Alegasyon nina Ampatuan, Bedol sinang-ayunan ng NAMFREL

INAYUDAHAN ng National Citizens Movement for Free Elections (NAMFREL) ang mga ibinunyag nina dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Zaldy Ampatuan at dating Maguindanao Election Supervisor Lintang Bedol na dayaan sa halalan noong 2004 at 2007.

Sinabi ni NAMFREL Secretary General Eric Alvia na handa silang tumestigo sa anumang pagdinig na gagawin ng Kongreso para suportahan ang pahayag nina Ampatuan at Bedol.

Handa rin aniya silang magbigay ng mga kaukulang ebidensya sa naturang alegasyon ng dayaan bagama’t aminado siya na kulang-kulang na ang kanilang mga dokumento noong 2004 elections.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply