Alerto sa SONA hindi itataas ng AFP

KAHIT nasa full alert status na ang Philippine National Police (PNP) para sa ikalawang taong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III bukas, hindi naman magtataas ng alerto ang Armed Forces of the Philippines.

Kahapon pa ipinakalat ang mga tauhan ng pulisya sa mga matataong lugar sa buong National Capital Region (NCR) partikular sa Quezon City.

Sinabi naman ni AFP spokesman Commodore Miguel Rodriguez na hindi magtataas ng alerto ang AFP kundi magiging back-up force lamang ang kanilang mga tauhan.

Kaugnay nito, wala umanong inaasahang magandang balita ang AFP mula kay PNoy dahil labis na umano ang naibigay na tulong at suporta sa kanila ng Punong Ehekutibo.

Tiniyak din ni Rodriguez na buo pa rin ang suporta ng AFP sa administrasyon ni Pangulong Aquino.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply