Ama 2 ulit na niluray ang anak, kalaboso

IBINALIBAG sa selda ang isang 39-anyos na ama matapos na dalawang ulit na gahasain ang 14-anyos na anak sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City, iniulat kahapon.

Sinampahan ng kasong rape ang suspek na si Renato Lazatin y Villamea, hardware helper, tubong San Andres Bukid Makati at residente ng Bagumbong, Caloocan City.

Dumulog naman sa Women and Children’s Concerns Desk ng Caloocan police kasama ng ina ang biktimang si Rosa (di-tunay na pangalan), 2nd year high school pupil upang pormal na sampahan ng kaso ang kanyang ama.

Nadakip alas-siyete ng gabi ang suspek sa loob ng kanilang bahay sa naturang lugar.

Ayon sa biktima, nagsimula ang panghahalay sa kanya ng kanyang ama noong Hulyo 7, 2011 at sinundan kinabukasan, tuwing alas-dose ng hatingggabi habang siya ay mahimbing na natutulog sa kanyang silid.

Bangengeng umuuwi ang suspek saka idinaraos ang makamundong pagnanasa sa anak.

Noong una ay natakot ang biktima sa bantang siya ay papatayin ngunit nang masundan pa ang panghahalay hindi na nangimi pang magsumbong si Rosa sa kanyang kuya at tiyahin na naging dahilan ng agarang pagkakadakip sa suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply