Aminin na kasi nina Vice st Jon Avila ang relasyon nila bago sila abutin ng delubyo

SO HINDI raw lovers sina Vice Ganda at Jon Avila. Close friends lang daw sila, kahit na ang tawag ni Jon kay Vice ay “Beh” na siyang tawagan ng mga mag-sweetheart na bading at lalaki (o silahista), babae at lalaki, at babae sa babae. Aba, sayang naman ang opportunity nina Vice at Jon na maging mag-sweetheart. Mukhang bagay na bagay sila. Pati sa hugis at features ng mukha, bagay sila. Very compatible sila.

Kapatid na Vice at kapatid na Jon, ituloy n’yo na yan bago kayo abutin ng delubyo. Lahat ng tao, ano man ang sexual preferences nila, ay may nakatakdang one great love affair. Baka ito na ang panahon n’yo na danasin ang the love affair of your life.

Huwag ka nang magpa-virginal, Vice. Ang problema sa mga bading ng showbiz, dahil lang sikat sila, gusto nilang palabasin na wala na silang interes sa lalaki o sa silahista. Nagpapa-virginal sila, kumbaga. Si Boy Abunda lang yata ang nag-iisang bading ng showbiz na umaamin na may Bong Quintana siya at hindi n’ya masasabing faithful siya kay Bong kahit halos 20 taon na ang relasyon nila.

Ultimong ang mga direktor na may mainstay supporting actor sa bawat pelikula nila ay ayaw umamin na lover nila nang kung ilang taon na si ganu’n at ganyang aktor kaya laging naka-cast yon sa mga pelikula nila. Ganu’n din ka-“secretive” ang mga lesbyanang direktor.

Sa showbiz idols natin, si Aiza Seguerra pa lang ang umaamin na lesbyana. However, si Ai Ai de las Alas noon ay inaamin sa showbiz press ang relasyon n’ya sa isang lesbian director bagama’t lagi n’yang ipinapakiusap na huwag ilagay ang pangalan nu’ng direktor kahit lahat ng reporters na somehow close sa kanya ay alam kung sino ‘yun. Saka umabot ang tagal ng relasyon nila du’n sa panahon na unang gumawa si Ai Ai ng “Ang Tanging Ina.” Pinayuhan siya ng manager n’yang si Boy Abunda na baka hindi siya matanggap ng madla na katangi-tanging ina kung sa panahong iyon sila mag-a-out ng relasyon nila ni Direk.

Pero hindi naman binawalan ni Abunda si Ai Ai na ituloy ang relasyon n’ya sa lesbyanang direktor. Ang sinabi lang nito kay Ai Ai ay huwag na lang muna nitong ipagmakaingay ang lesbian love affair n’ya.

May suspetsa kaming nagkaroon din si Ai Ai ng lesbian affair du’n sa isang bold actress na alam ng mga taga-showbiz na drug user at may mga anak na iba’t iba ang ama. Dahil umamin ang bold actress na drug user siya, baka natakot si Ai Ai na aminin ang lesbian affair nila dahil baka mapagkamalan siyang drug user din. Feeling n’ya ay maaapektuhan ang pagtingin sa kanya ng mga anak n’ya kung mapapabalitang drug user siya. (Oo naman, naaapektuhan ang mga anak sa kapalaluan ng mga magulang nila!)

Mahuhulaan n’yo ba kung sino sa dalawa ang lesbyana? Isigaw n’yo na lang sa katabi n’yo. Huwag n’yo nang iparating sa akin ang hula n’yo dahil alam ko naman kung sino sa kanilang dalawa ang may matinding bisexual personality.

Oo nga pala, yung bold actress na pinagsususpetsahan naming naka-lesbian affair ni Ai Ai ay hindi yung naikwento namin dito kamakailan na walang-takot na nakipaghalikan sa girlfriend n’ya sa isang pang-mayaman na furniture shop.

Marami po talagang lesbian sa showbiz na di pa nagtatapat sa madla. Kasing rami siguro ng mga bading na aktor na ayaw pa ring umamin. Sayang nga naman ang datung kung aaminin nila ang sexual orientatation nila. Sayang ang mga endorsement contract na nakasalig sa macho image nila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply