Anak binugbog, ginahasa, tatay arestado

ARESTADO ang 40-anyos na tatay makaraang ireklamo ng pananakit at panggagahasa sa kanyang 17 taong gulang na anak sa Quezon City, ayon sa pulisya.

Kinilala ang suspek na si Louie Macarial, 44, ng Barangay Bagong Pagasa, nabanggit na lungsod. Inireklamo ng anak na si Lyn, hindi niya tunay na pangalan.

Sa ulat ng Police Station 2, naganap ang insidente dakong 4:30 ng madaling-araw sa loob mismo ng kanilang tahanan.

Lumitaw sa pagsisiyasat ni PO3 Eclipse, nagising na lamang umano ang bikitima nang marinig na nagwawala ang ama.

Agad na bumangon ang biktima upang alamin kung ano ang ikinagagalit ng ama, ngunit laking gulat niya nang sa kanya ibunton ang galit at simulan siyang saktan ng ama.

Dahil sa pag-iyak at paghingi ng tulong ng biktima, nagising ang ina na si Anadel at pinigilan ang asawa sa pananakit sa anak.

Tumigil naman ang suspek at pinabalik na lamang sa pagtulog ang kaniyang mag-ina.

Ngunit nang makatulog na ang asawa, pumasok umano ang suspek sa kuwarto ng anak at doon ito pinagsamantalahan.

Himas rehas na sa nasabing himpilan  ang suspek na nahaharap sa kasong rape and physical injuries.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply