Anak ni Osang nasangkot sa car accident sa Kyusi

NASANGKOT sa isang car accident ang anak ng aktres na si Rosanna Roces sa Tomas Morato – Timog Circle sa Quezon City umaga ng Biyernes, Hulyo 8.

Ayon sa report ng Unang Balita, minamasaneho ni Dennis “OnyoK” Adriano ang Ford Lynx (WRH 563) nang mabangga nito ang tagiliran ng pulang Mitsubishi Lancer ni Police Inspector Feliciano Almoquela Sr.

Ayon pa sa report, binabagtas ni Onyok ang Tomas Morato Avenue nang mabangga niya ang sasakyan ni Almoquela na nanggaling naman sa Timog Avenue.

Wala namang napaulat na nasugatan sa nasabing insidente.

Inamin naman ni Adriano na kasama niya ang kanyang mga kaibigan na galing sa inuman ngunit ikinatuwiran niyang hindi siya nakainom.

Ayon pa sa report, inakusahan nitong si Almoquela ang mabilis ang tulin ng pagmamaneho at nasa maling lane kung kaya naganap ang aksidente.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Quezon City police.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply