Ancheta nakisalo sa kampeonato sa World Open sa Pennsylvania

DINISKARIL ni Filipino  Rene Ancheta kontra si American Raynard Simmons sa ninth at final round para makisalo sa ika-1 hanggang ika-5 puwesto sa katatapos na 39th Annual World Open Chess Championships nitong Hulyo  4 sa Sheraton Philadelphia Hotel sa Race Streets, Philadelphia, Pennsylvania, USA.

Ang Makati City pride Ancheta, kasalukuyang nakabase sa Chicago ay nakapagtala ng 7.5 points, kaparehas ng puntos na naitala nina Aaron Jing, Arnold Fuchs, Aakaash Meduri at Robby Hecht sa Expert Division. Lahat sila ay nakatanggap ng tig $5,521.60. Matapos ipatupad ang tie break points, nakopo ni Jing ang titulo, nasukbit nman ni Fuchs ang runner-up place at tumapos si Ancheta sa  3rd place. Nasa 4th hanggang 5th placers ay sina Meduri  at Hecht.

Sa  Open section, giniba ni American GM Gata Kamsky kontra si  England’s GM Michael Adams sa 5-minute vs 3-minute Armageddon game tungo sa 2011 World Open Champion title.

Sina Kamsky at Adams, parehong nakalikom ng tig 7 points sa nine outings para kapwa mag-uwi ng tig $ 14,575.00.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply